3 ‘tulak’ arestado

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

LA PAZ, Tarlac – Tatlong katao ang natimbog sa illegal drugs matapos magsagawa ng buy-bust operation sa Barangay San Isidro ng bayang ito, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni SPO2 Cristopher Manuel, ng La Paz police, ang mga inaresto na sina Arnel Magdangal, 32, ng nasabing barangay; Eloisa De Guzman, 35, ng Bgy. Sta. Lucia, Magalang, Pampanga; at Marmie Therese Genilo, 42, ng Bgy. Ligtasan, Tarlac City.

Sa nasabing operasyon, narekober ang 14 na piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng malaking gramo ng hinihinalang shabu.

Bukod dito, narekober din sa mga suspek ang tatlong rolyo ng aluminum foil, iba’t ibang cellular phones na gamit umano sa illegal transaction, at P7,250.

-Leandro Alborote