2 bata nalunod

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Dalawang bata ang nalunod sa magkahiwalay na insidente sa Mayantoc at Tarlac City, Tarlac, nitong Martes ng hapon.

Nasawi sa unang insidente si Rolan Ejia, Jr., 9, ng Barangay Binbinaca, Mayantoc.

Nag-picnic ang pamilya ni Mejia sa isang ilog sa Sitio Siminublan, Bgy. Binbinaca.

Nang maligo na umano ang kanilang pamilya sa nasabing lugar ay biglang pinulikat si Mejia na nagresulta sa pagkalunod nito.

Nalunod din ang isang lalaki nang aksidenteng mahulog sa isang manhole sa M.H. Del Pilar Street, Block 5, Bgy. San Nicolas, Tarlac City, nitong Lunes ng tanghali.

Sa imbestigasyon, binanggit ng awtoridad na nahirapan sila sa paghahanap sa bangkay ni Mark Daniel Villapaña, 5, ng Ilang-Ilang Street, Block 1, San Vicente, na nasabing lungsod, dahil sa lakas ng agos na dulot ng matinding pag-ulan.

Sinisiyasat pa rin ang kaso upang matukoy kung sino ang mananagot sa insidente.

-Leandro Alborote