Tickets sa concert ni Daniel, halos sold-out na

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

ANG bilis nag-sold out ng selected section sa concert ni Daniel Padilla sa Smart Araneta Coliseum sa October 13, billed D4 Daniel Padilla Back At The Araneta.

Daniel copy

Hindi kami sigurado kung kailan sinimulan ang pagbebenta ng tickets, but as of September 6, sold-out na ang Mosh Pit, VVIP, Patron A, Patron B, at Box.

Ang ticket na lang sa Upper Box at General Admission ang available. Siguradong bago pa dumating ang petsa ng concert ay sold out na rin ang tatlong natitirang sections ng Smart Araneta Coliseum.

Hindi pa nababanggit kung sinu-sino ang guests si Daniel sa kanyang concert, pero mabilis pa ring nag-sold-out ang tickets.

Produced ng Star Events at ABS-CBN Events ang concert, directed by Johnny Manahan, at musical director si Marvin Querido.

Samantala, showing pa rin ang blockbuster movie ni Daniel na The Hows Of Us, kasama si Kathryn Bernardo, at palabas na rin ito sa ibang bansa.

-Nitz Miralles