Woods, nakasama sa Ryder Cup

Filed under Golf Balita RSS RSS Feed

WEST CONSHOHOCKEN, Pennsylvania (AP) — Balik si Tiger Woods sa Ryder Cup bilang isang player matapos ang anim na season, habang maitatala ni Phil Mickelson ang record 12 sunod na pagkakataon na mapabilang sa Ryder Cup team.

Tiger Woods (AP Photo/Michael Dwyer)

Tiger Woods (AP Photo/Michael Dwyer)

Makakasama nila si Bryson DeChambeau, pinakamainit na player sa Tour sa kasalukuyna, bilang ikatlong American wild-card selections.

Naging madali para kay US captain Jim Furyk ang desisyon na piliin sina DeChambeau, Mickelson at Woods na pinakamalapit sa ranking saw along players bna awtomatikong kasama sa team bunsod ng resulta sa PGA Championship.

Umusad sa ranking (no.7) si DeChambeau matapos magwagi sa nakalipas na dalawang FedEx Cup playoff events., rising to No. 7 in the world. Inaasahang ipahahayag ni Furyk ang kanyang final captain’s pick sa Lunes matapos ang BMW Championship.

Nakatakda ang Ryder Cup sa Sept. 28-30.