2 tigok sa salpukan

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Nasawi ang dalawang katao nang magbanggaan ang isang pampasaherong bus at truck sa Maharlika Highway sa Tiaong, Quezon, Lunes ng gabi.

Ayon kay Senior Supt. Osmundo de Guzman, director ng Quezon Police Provincial Office, nakabanggan ng minamanehong truck ni Leandro Hilado ang kasalubong na Mega Bus Line bus (AJA-1114) sa Bgy. Talisay, dakong 11:30 ng gabi.

Matinding pinsala sa katawan ang sanhi ng agarang pagkamatay ni Hilado.

Dead on arrival naman sa pagamutan ang isang lalaking kasamahan nito dahil sa malaking sugat sa ulo.

Sa police report, nag-overtake ang truck sa isang motorsiklo kaya hindi napansin ang kasalubong na bus na minamaneho ni Romeo Delocino.

Si Delocino ay nakakulong na sa Tiaong Police headquarters at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide at damage to property.

-Fer Taboy