Marian, tinupad ang wish ng may sakit na fan

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ANG Make-A-Wish Philippines ay isang charity organization na siyang nagsasakatuparan sa mga hiling ng mga batang may kritikal na sakit. Kahit sino ay maaaring magbigay ng donasyon at boluntaryong sumapi o tumulong sa organisayon.

Marian

Sa social media account ng Make-A-Wish PH, makikita ang larawan ni Marian Rivera, na isa pa lang volunteer at donor ng organisyon, kasama ang batang may sakit na leukemia.

Caption nito sa post, “When a wish kid meets the celebrity they look up to, it makes them feel hopeful and encourages them to live positively. Here is wish kid Ariane (9 with leukemia) wrapped in the warm hug of her favorite actress.

“Thank you Ate Marian, for granting a wish for the fourth time and for sharing with us the transformational power of a wish!”

Marami namang netizen ang nagpasalamat kay Marian sa kanyang ginawa na makapagbigay ng sigla sa mga may karamdaman tulad ni Ariane.

Hindi lamang ang Make-A-Wish Philippines ang tinutulungan ni Marian dahil marami pa siyang ibang advocacies na patuloy niyang ginagampanan. Kaya naman bless na bless din siya at ipinagpapasalamat niya na nakatutulong siya sa mga nangangailangan.

-NORA V. CALDERON

  • MochoGarbo

    PAULINE MENDOZA IS A GOOD ACTRESS, GOOD DAUGHTER, GOOD DANCER, GOOD SINGER AND GOOD HOST. PAGING CHIKA MINUTE…. PAULINE MENDOZA DID SOLO HOST IN HER INTIMATE PRESS MEDIA INTERVIEW WITH 11 COLUMNISTS, EDITORS, AND PHOTOGRAPHERS FROM MANILA BULLETING LAST AUGUST 23, 2018.