Away ng fans nina Bianca at Kyline, tuloy

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MAY kumalat na tweet gamit ang account ni Bianca Umali, at ang sabi: “Deserve nya yan. Sisisihin pa mga Biguel fans. Tang ** nyo po mga Sunflowers.”

Bianca copy

Ang tinukoy sa nasabing tweet, na natukoy na fake, ay ang pambu-boo kay Kyline Alcantara sa Kapuso Mall Show nila nina Bianca at Miguel Tanfelix sa Iloilo City kamakailan. Ang “Sunflowers” na tinukoy ay ang fans ni Kyline.

Itinuturo kasing mga fans daw ng love team nina Bianca at Miguel ang nag-boo kay Kyline habang nagpe-perform ang dalagita.

Nag-tweet naman si Bianca ng paglilinaw sa isyu: “This tweet posted by my account, was not made by me. First, I am not active on Twitter. Many of you know that. Second, I do not talk like this. I have checked my account over and over again and i can’t find it on my feed. If only I was this rude, it should have been deleted.”

Ipinost ng isang fan ni Bianca ang fake at real Twitter account ngh aktres at ginaya ng nasa likod ng dummy account ang DP ni Bianca, pero makikitang may 145 followers lang ito. Samantalang, ang real Twitter account ni Bianca ay may 92,000 followers na.

Ngayong Thursday, August 23, naka-schedule na first taping day nina Bianca at Kyline para sa Daig Kayo Ng Lola Ko, kung saan sila ang bida sa episode for the month of September.

Sana, bago mag-taping ay makapag-usap muna sina Bianca at Kyline, dahil ang pangit naman kung magtatrabaho sila nang hindi nag-uusap at hindi nagtitinginan man lang.

-NITZ MIRALLES

  • MochoGarbo

    PAULINE MENDOZA IS A GOOD ACTRESS, GOOD DAUGHTER, GOOD DANCER, GOOD SINGER AND GOOD HOST. PAGING CHIKA MINUTE…. PAULINE MENDOZA DID SOLO HOST IN HER INTIMATE PRESS MEDIA INTERVIEW WITH 11 COLUMNISTS, EDITORS, AND PHOTOGRAPHERS FROM MANILA BULLETING LAST AUGUST 23, 2018.