Zoren may pangamba sa pag-aartista nina Mavy at Cassy

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ISA si Zoren Legaspi sa lead stars ng Kapag Nahati Ang Puso, na ang role niya ay torn between his wife played by Bing Loyzaga, and his past love played by Sunshine Cruz.

Zoren

“Huwag silang (viewers) bibitaw sa mga susunod naming eksena kasi mas magiging maintriga mga next episodes, lalo ngayong nagkita na uli kami ni Sunshine after not seeing each other for so many years,” kuwento ni Zoren.

Samantala, kamakailan lang ay pumirma ng management contract sa GMA Artist Center ang kambal nila ni Carmina Villaroel na sina Mavy at Cassy, kaya officially ay Kapuso artists na rin ang kanyang mga anak.

Sabi raw ni Mavy matagal na niyang gustong mag-showbiz and even added, “Growing up kasi, it has always been me who wants to try showbiz.”

Si Cassy naman daw ay magiging Kapuso singer, at ito ang inspirasyon sa desisyon niyang pasukin na ang showbiz world.

“I actually look up to Julie Anne San Jose, I’ve admired her since before because she’s very talented. She’s so good at singing and she’s all-around. I love her so much. I’m thinking of leaning towards singing as well that’s why I look up to Julie,” sinabi ni Cassy sa isang interview.

At ano naman raw ang masasabi ng erpat nilang si Zoren sa pag-enter nila sa Showbiz World?

“Ang fear ko lang, kapag naging busy kaming lahat nang sabay-sabay, baka bihira na kaming magkita-kita. So I pray na sana, kahit magkaroon na sila ng sarili nilang careers, maging priority pa rin nila ang family namin… as me and their mom will always be here to guide them,” sabi ni Zoren.

Wow, Zoren tipong puwedeng i-konek sa serye nyo nina Sunshine at Bing titled Kapag Nahati Ang Puso, ha? Na hindi malayong mahati nga ang mga oras at araw ng family bonding n’yo nina Carmina, Mavy at Cassy kapag naging busy na nga sa pag-aartista ang kambal sooner than soon. Pak, yun na!

-MERCY LEJARDE