Sara sa Senado

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Hinikayat ni Senador Aquilino Pimentel III si Davao City Mayor Sarah Duterte na tumakbo sa Senado sa 2019, lalo pa’t medyo maliit ang tsansa na maisulong ang federalismo.

Ayon kay Pimentel, sa ganitong paraan, mapapalakas ang boses ng Mindanao sa Senado dahil sa ngayon tatlo lamang silang senador na galing sa naturang rehiyon.

“Her experience as mayor of one of the country’s highly successful cities eminently qualifies her to speak for Mindanao, for peace and order, for the environment, and for the socio-economic upliftment of the marginalized sectors,” ani Pimentel.

Bukod kay Pimentel na tubong Cagayan de Oro, taga-Mindanao rin sina Sen. Juan Miguel Zubiri mula Bukidnon, at Manny Pacquiao mula Sarangani.

-Leonel M. Abasola