Pinoy chessers, target ang GM norm

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

TAMPOK sina International Master (IM) Angelo Young, newly-installed International Master (IM) elect Daniel Quizon, newly-installed Woman International Master (WIM) elect Kylen Joy Mordido at Fide Master (FM) elect Michael Concio Jr. ng Pilipinas na magtutungo sa Malaysia para sa minimithing Grandmaster norm sa pagsabak sa 15th IGB Dato Arthur Tan Malaysian Open Chess Championships sa Agosto 20-26 sa Citi Tel Mid Valley Hotel, Mid Valley Megamall sa Kuala Lumpur.

Ang eight-times Illinois, USA champion na si Young ay kulang na lamang ng dalawang norm para maging full chess GM.

Nakatutok siya sa kanyang second GM norm matapos masikwat ang kanyang first GM norm sa 1996 World Open Chess Championships sa Philadelphia, Pennsylvania, USA.

Nagwagi naman si Quizon sa Eastern Asia Juniors Open Chess Championship 2018 na ginanap sa Gangneung University sa South Korea , habang si Mordido ay nagreyna sa Eastern Asia Juniors Open Chess Championship.

Target naman ng 13-anyos na si Concio ang first GM norm matapos magwagi ng Fide Master title at Asean Chess Master sa 2017 ASEAN Age Group Chess Championships sa Kuantan, Pahang, Malaysia.