Bully at intrigerong netizen, sinupalpal ni Kris

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

PINANGUNAHAN na ni Kris Aquino ang fans ni Henry Golding na huwag siyang i-hate sa post niyang “but @piolo_pascual would also have been so PERFECT to portray Nick!”

Kris

Si Henry ang isa sa main cast ng Crazy Rich Asians at gumaganap sa role na Nick sa pelikula—na binanggit nga niya sa post na babagay ding gampanan ni Piolo Pascual. Hindi pa namin napapanood ang movie dahil sa August 22 pa ang showing dito, at hindi rin namin nabasa ang libro ni Kevin Kwan, kaya hindi namin alam kung sino si Nick sa movie.

So far, wala kaming nabasang negative reactions sa fans ni Henry sa post ni Kris na sariling POV niya, kaya hindi kailangang i-bash si Kris. Malay natin at mag-agree pa kay Kris ang Pinoy moviegoers ‘pag napanood na ang pelikula.

Kahit sinasabing minimal ang exposure ni Kris sa movie bilang si Princess Intan, excited ang supporters niya na mapanood siya sa kanyang first Hollywood movie. First ang sinabi naming, dahil malay natin at masundan pa ang Hollywood projects ni Kris, lalo at may agent siya sa Los Angeles para maghanap ng next project niya.

Samantala, sinagot ni Kris ang nag-comment na publicity stunt ang pagtulong niya sa mga binaha sa Marikina City. Sabi pa ng commenter, tumakbo na lang si Kris na mayor ng Quezon City. Mahaba ang sagot ni Kris na parang inasar ang basher.

“You may just get wht you asked for… do the political math, in a crowded field of candidates NAME RECOGNITION will matter…Kung campaign funds ang labanan ‘di rin naman ako magpapahuli, wala akong utang kaya kakayanin kong pondohan ang sarili ko. And an important plus for me, I have 32 years of BIR tax records that can prove how trustworthy I am about money, dahil alam ko na ang pera ng bayan ay para sa bayan. Kaya kong hamunin lahat ng ibang kandidato na maglaban kami ng ITR para magkaalaman na. Sure akong wala akong magiging problema sa SALN declaration dahil sa malinis na paraan kinita ang pera ko.

“Next point, wala nang bahong puwedeng mahalungkat dahil ang buong kuwento ng buhay ko, alam ng buong Pilipinas. Wala rin asawang kailangang panagutan ang mga posibleng gawin. DO NOT BULLY ME.

“FYI I haven’t received the professional fees due me from my new multinational contracts, so there is nothing hanging over my head regarding funds that I may need to return. Let’s not forget, I will also have the best possible adviser when it comes to good governance, my BROTHER. So the city will get the best of both, VAST EXPERIENCE & TRANSPARENCY. Hate to say it BUT that’s an unbeatable combination.

“WAIT KA LANG. I have the next 2 months to decide. Kung trip nyo kong bwisitin, you may get your worst nightmare come to life. ‘Yan ang problema, ‘yung kusang tumutulong hinuhusgahan. ‘Yung mga nakaposisyon na nagkulang, ngayon naghahanap ng puwedeng ma-bully. “YOU ARE MESSING WITH THE WRONG WOMAN. Our family is used to battling & slaying giants. So it would serve your personal interests to let me be, because you don’t want to mess w/ a warrior at rest. Because she can so very easily become the victorious David to your pitiful Goliath. #laban

-NITZ MIRALLES