Ai Ai emosyonal sa pagbati ni Ate Vi

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

TUWANG-TUWA na ipinost ni Ai Ai delas Alas ang congratulatory message sa kanya ni Batangas Rep. Vilma Santos-Recto kasunod ng pagkakapanalo niya bilang Best Actress sa katatapos na Cinemalaya Awards.

Cong. Vilma copy

Ipinost ni Ai Ai ang message sa kanya ng actress-politician, na labis niyang iniidolo.

“Ai…yesss!!! Congratulations my friend!!! (Best Actress) PROUD PROUD OF YOU MY FRIEND!! Keep it up!!! Sorry di ako masyado visible ha friend…soooo busy with Congress and Lipa!! Pagod na din beauty ko just arrived from Lipa now at kasama sa activity dun si Sec. (Leonor) Briones ng DepEd!!!

“Kahit ganito… pls don’t forget me! Love love love you pa din Ai! Miss you. Will text Marian (Rivera) too! Nag-birthday din siya! Kiss Baby Marian for me ha. Thanks! God bless you and family! DAMI KO UTANG SA IYO!! Hehehe! Babawi ako. Promise friend! Love you!”

Sumagot naman si Ai Ai sa pagbati sa kanya ni Congresswoman Vilma: “Naku Ate Vi, grabe parang naluluha ako naalala mo pa din ako…love you. Alam mo naman na idol kita forever. Alam kong busy ka…sana nga madalaw kita sa Congress. Hindi na kita nadalaw. Hayaan mo pag next week nandun ka bisitahin kita, dalhan kita ng lunch.

“Alam mo naman na super love kita. Thank you Congresswoman Ate Vi. Always take care, I hope ok na yung knee mo.”

Bukod kay Congresswoman Vilma, marami ring taga-showbiz industry ang nag-congratulate kay Ai Ai sa bagong acting award na napanalunan niya.

Mukhang acting awards na ang kino-collect ngayon ng Comedy Queen, dahil hindi lang siya rito sa bansa nananalo, kundi maging sa mga international film festivals

-NITZ MIRALLES