Stags, aabangan ng San Beda Lions

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Centre)

10:00 n.u. — MU vs UPHSD (jrs)
12:00 n.t. — SSCR vs SBU (jrs)
2:00 n.h. — MU vs UPSD (srs)
4:00 n.h. — SSCR vs SBU (srs)

TATANGKAIN ng defending champion San Beda University na makopo ang ika-6 na sunod na panalo sa pagsagupa sa San Sebastian College habang solong ikatlong puwesto naman ang target ng University of Perpetual Help sa pagtutuos nila ng Mapua ngayong hapon sa NCAA Season 94 basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Sinandalan ang all-around effort ni Robert Bolick at clutch shooting ni AC Soberano, huling pinataob ng Red Lions ang archrival Letran Knights, 80-76, sa overtime nitong Biyernes para sa panglimang dikit nilang panalo.

Manggagaling naman ang Altas sa 78-72, paggapi sa Jose Rizal University Heavy Bombers na nag-angat sa kanila sa ikatlong puwesto kasalo ng Knights hawak ang markang 4-2.

Tatangkin nilang igupo ang Cardinals (2-5)sa pagtutuos nila ngayong 2:00 ng hapon para masolo ang pangatlong puwesto.

-Marivic Awitan