‘Kurasa wash’ sagot sa mga tamad maghugas ng pinggan

Filed under Kalusugan Balita RSS RSS Feed

Kurasa wash

Kurasa wash

Tamad ka bang maghugas ng pinggan? Narito na ang sagot sa problema mo.

Inilunsad kamakailan ng isang Japanese company na Thanko ang isang handheld, battery-powered device na magbibigay sa’yo ng kakayahang maghugas ng pinggan ng hindi nababasa ang kamay.

Ang “Kurasa Wash” ay isang quirky handheld device na siyang maghuhugas ng pinggan para sa sa’yo. Matapos magdagdag ng kailangang detergent kusa nang paiikutin ng ‘kurasa wash ang iyong mga pinggan at ibang kasangkapan habang kinukuskos ng brush at sponge.
Ang tanging kailangan mo na lamang gawin ay hawakang mabuti ang handle nito.

Kumpara sa ordinaryong dishwater, higit umanong mas magaan ang Kurasa wash at kaya pang tumakbo o maghugas ng pinggan sa loob ng hanggang dalawang oras.