Ai Ai, ‘di makapaniwala sa Best Actress award

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAKUHANAN ang pag-iyak ni Ai Ai delas Alas nang malaman niyang siya ang nanalong Best Actress sa 2018 Cinemalaya para sa pelikulang School Service, ng BG Productions. Kabilang sa tinalo ni Ai Ai sina Iza Calzado, ng pelikulang Distance; at Glaiza de Castro ng Liway.

Ai Ai copy

“Pasensiya na sa reaksiyon na ito hehe…kasi naman po nanonood ako ng The Clash nag-a-analyze pa ako ng mga nanalo at lumaban tapos ang pagkasabi ni Sancho MAMA NANALO KA NG BEST ACTRESS?! (patanong na excited)… at ako naman ‘o my GOD nanalo ako, nanalo ako!!!’ Super crayola 48 colors.

“Thank you LORD SOBRA!! NANALO AKO (bigla kong naisip tama ba dinig ko?) Haha bigla ko tinanong si Sancho, ‘totoo ba yan anak?’ Sabi nya ‘Oo ma, si Direk Louie (Ignacio) tag ako… So ayun naniwala na ako.

“At ngayon na nahimasmasan na ‘ko, MARAMING SALAMAT PO CINEMALAYA JURY AT CINEMALAYA SA AWARD NA ITO. Nais kong i-share ang award na ito sa aming director Louie Ignacio, labyu. Tita BABY GO and BG productions, dennis e, ferdie lapuz, sa mga kasama ko sa SCHOOL SERVICE, mga bata at sa mga crew at sa aming cinematographer na si Rhain, direk Joel Lamangan at si Tito Jo Gruta.

“Share ko din ito sa mga magagaling kong mga co-nominadong actress na sina Glaiza, Iza, Tita Perla (Bautista) at sa mga di ko nabanggit, congrats din.

“At kay LORD na sabi ko pasensya na Lord nagmumura ako sa movie na ito hehe, pero yun ang takbo ng buhay sa pelikulang ito. Ang hirap at katotohanan sa buhay. Mama Mary tnx din po, sa lahat ng blessings TO GOD BE THE GLORY.

“[Sa] mga inspirasyon ko sa buhay, thank you mga anak Sancho, Niki, Sophia and Andrei… at sa aking asawa, Gerald happy monthsary darl. Ang ganda ng gabing ito…”

-NITZ MIRALLES