Oil price hike ngayong linggo

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Hindi kagandahan balita sa mga motorista.

Nagbabadya ang oil price hike na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.

Ayon sa industriya ng langis, posibleng tumaas ng 20 sentimos hanggang 30 sentimos ang kada litro ng diesel habang maglalaro sa 5-10 sentimos ang presyo ng gasolina at kerosene.

Ang napipintong oil price hike ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Nitong Agosto 7, huling nag-rollback ang oil companies ng 25 sentimos sa kerosene at 10 sentimos sa gasolina at diesel.

-Bella Gamotea