Celebs, abut-abot ang bati kay Marian

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NANG tanungin si Marian Rivera kung saan sila magsi-celebrate ng kanyang 34th birthday, ang sagot, “dito lang” at sinabihan siya ng asawang si Dingdong Dantes na sumama lang sa kanya. Sa video clip na ipinost ni Dingdong, sa Solaire niya dinala si Marian at kasama nila ang anak na si Zia.

Zia, Marian at Dingdong copy

“This is where we spent our first night together as husband and wife. But today, on her very special day, we don’t mind having some company,” ang caption ni Dingdong na ang binanggit na “company” ay si Zia. Ang cute nang paulit-ulit na “Happy Birthday Mama” na bati ni Zia kay Marian.

Kabilang sa mga bumati kay Marian si Sharon Cuneta na may nakakatuwang birthday greetings. “Happy Birthday to my beautiful and sexy inaanak, @marianrivera Marian! (Pahiram ng abs isang pictorial lang. hahaha!) May God bless you always. Thank you for loving KC and me! Tons of love, Ninang.” Sumagot si Marian ng “Hahahaha salamat ninang.”

Hindi nagpatalo si Ai Ai delas Alas sa birthday greetings niya kay Marian. Post nito: “Mula pa noon sa KUNG FU DIVAS palang ay alam ko ng magkakasundo tayo, bukod sa totoo ka ay sweet ka pa…salamat sa ating pagkakaibigan at pagmamahalan, salamat sa GOWN ko ng ikinasal ako…at maraming salamat sa mga bagay na maliliit na hindi mo ako nakakalimutan…at ngayon IYONG KAARAWAN AKING KAMBI NAMAY MAGING MASAYA KA AT MAPAYAPA ANG IYONG BUHAY…Dumami pa ang mga commercials mo para marami ka pang matulungan, sana ay masundan na din si Zia ang aking magandang inaanak…dapat may pa cake ako pero dahil ms Bahamas…ay susurpresa nalang kita…I LOVE YOU KAMBAL…enjoy mo bday mo kahit may bagyo. GOD BLESS YOU AND YOUR FAMILY…HAPPY BIRTHDAY mrs dantes.”

May series of birthday celebration si Marian, nauna na siyang nag-party kasama ang cast ng Super Ma’am. Sumunod ang birthday celebration kasama ang kanyang mga kaibigan, kabilang si Angelu de Leon, na ipinanganak din ngayong buwan.

Tiyak na may mga kasunod pang birthday party ni Marian, kaya abang-abang lang tayo sa update.

-Nitz Miralles