Sharon may sarili nang online network

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

BILANG bahagi ng isang taong selebrasyon para sa ika-40 anibersaryo sa showbiz ni Sharon Cuneta, magkakaroon siya ng major concert, ang My 40 Years, Sharon, na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Setyembre 28.

SHARON

Inilunsad din ni Sharon ang SharonCunetaNetwork bilang opisyal na online platforms niya sa Facebook, Twitter, Instagram, at YouTube.Nagbibigay ang SharonCunetaNetwork ng eksklusibo at orihinal na content tungkol sa career ng Megastar sa pelikula, telebisyon, musika, live performances, at endorsements. Gayundin ang makulay at nakaka-inspire na personal na buhay niya bilang isang ina, asawa, sister, and friend.Sa Facebook, ang bago niyang opisyal na handle ay SharonCunetaNetwork, sa Twitter ay @SharonCunetaNet, sa Instagram ay @SharonCunetaNetwork, at Sharon Cuneta Network naman sa YouTube.

Ang lahat ng ito ay karagdagang platforms na lalong palalakasin ang mga personal na social media accounts ni Sharon, na kinabibilangan ng kanyang verified Sharon Cuneta Facebook Page, na may mahigit isang milyong followers; ang kanyang @sharon_cuenta12 Twitter account na umabot din sa isang milyon ang followers; gayundin ang kanyang @reallysharoncuneta Instagram account, na may 631,000 followers.Lahat ng platforms sa SharonCunetaNetwork ay magdadala sa kanyang patented na pirma at magiging opisyal na online source ng lahat ng impormasyon at updates tungkol sa Megastar, isang bagay na tiyak na kapapanabikan ng napakaraming loyal Sharonians.

Ang platforms na ito ay magiging dahilan para lalong maipakilala ni Sharon ang kanyang body of works sa mga bagong henerasyon niyang tagahanga, na kinikilala siya at iniidolo bilang isa sa mga stellar judges ng top-rating singing and impersonation competition ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar; at isa sa mga powerhouse coaches ng The Voice Of The Philippines for three seasons. Kasama rin dito ang comeback movie niyang Unexpectedly Yours, na certified box-office; at isama pa ang pagiging high-profile endorser niya ng malalaking brands, tulad ng McDonald’s, Petron, at Magnolia Chicken 3-Way.Ang unang handog ng SharonCunetaNetwork ay ang one-of-a-kind webisodes na magpapakita ng iba’t ibang aspeto ng career at personal na buhay ni Sharon.

Kasama ito sa kapana-panabik na paglalakbay patungo sa landmark event na My 40 Years, Sharon na itinuturing na isa sa mga pinakahihintay at pinaka-engrandeng musical events ng taon, with her guest Zsa Zsa Padilla, Kuh Ledesma, Regine Velasquez, Martin Nievera, Basil Valdez, at Gary Valenciano. Sina Louie Ocampo, Mell Villena, at Ryan Cayabyab naman ang musical directors.Ang My 40 Years, Sharon ay presented ng San Miguel Corporation, sa pakikipagtulungan ng Petron, Magnolia Chicken 3-Way, Philippine Airlines, McDonald’s at The Aivee Group. Ang media partners ay The Philippine Star, Business World, People’s Journal, at People’s Tonight at suportado rin ng Fernando’s Bakery at Leylam Philippines.I-like ang SharonCunetaNetwork sa Facebook, sundan ang @SharonCunetaNet sa Twitter, sundan ang @SharonCunetaNetwork sa Instagram, at mag-subscribe sa Sharon Cuneta Network sa YouTube.Para sa mga tickets sa My 40 Years, Sharon tumawag sa 552-7473, 815-1953, at sa TicketNet sa 911-5555 o bisitahin angwww.ticketnet.com.ph.

-REGGEE BONOAN