Love team nina Kiko at Devon, totohanan na

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SINA Kiko Estrada at Devon Seron ang newest showbiz couple ngayon. Parang hindi naman nila ito itinatago dahil may mga litrato sila sa social media na magkasama. May nakakita rin sa kanila sa isang mall na magka-holding hands habang nagmo-malling.

Kiko at Devon

Maalalang nagin magka-love team sina Kiko at Devon sa Regal Entertainment movie na Walwal at doon pa lang, natutukso na ang dalawa. Nauwi sa totoo ang kanilang tambalan at heto na nga, couple na sila.

Sa interview kay Devon sa presscon ng T-Rex Entertainment Productions, Inc., movie na Bakwit Boys, inamin ni Devon na may boyfriend siya from showbiz, pero hindi niya pinangalanan si Kiko.

Ang nasabing photo sa mall at ang pictures nila sa social media ang magpapatunay na si Kiko ang tinukoy ni Devon na boyfriend niya.

Nabanggit na rin natin ang Bakwit Boys, isa si Devon sa bida ng pelikula, na entry sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino, sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana, at mapapanood sa August 15-22.

Maganda ang trailer ng musical movie at maganda ang songs na kakantahin ng cast, sana marami ang makapanood.

Kasama ni Devon sa pelikula sina Ryle Santiago, Nikko Natividad, Mackie Empuerto at Vance Larena

-NITZ MIRALLES