Kris, umeksena sa websites ng int’l magazines

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

BINISITA namin ang www.vanityfair.com/style/photos/2018/08/the-must-see-looks-from-the-crazy-rich-asians-premiere, at totoo nga! Number five si Kris Aquino sa cast ng Crazy Rich Asians na na-feature sa website. Ang ganda pa ng photo ni Kris. Sayang lang at hindi nabanggit na gawa ni Michael Leyva ang yellow gown na suot niya sa red carpet premiere sa Hollywood, kamakailan.

IMG_6833 copy

Ibinalita ito kay Kris ng isa niyang follower sa Instagram.

“This is super awesome! You know napansin ako dahil sa EFFORT ng mga Filipino Americans. Super #grateful,” post na reaksiyon naman ni Kris.

May nauna nang comment si Kris sa pagpi-feature sa kanya sa Vanity Fair: “Omg-true Vanity Fair? We saw Harper’s Bazaar BUT I need to pinch myself, I’ve been such a fan/subscriber of Vanity Fair since my college days. We’ll search, #kilig.”

May nagbalita rin kay Kris na pati sa website ng Variety ay na-feature siya kasama ang bunsong anak na si Bimby, at nakalagay sa caption, “with James Carlos Aquino Yap.”

Ayan, na-feature na sa different international websites si Kris, ano kaya ang susunod?

Samantala, nakauwi na sa bansa ang mga anak at grupo ni Kris last Thursday, at sumalubong kay Kris ang maraming bouquet of flowers, balloons na may nakasulat na “Pinoy Pride”, at “The Queen of Filipino Hearts”, at congratulatory messages.

Anyway, positive feedback are coming in sa partisipasyon ni Kris sa Crazy Rich Asians, at may Fil-Am from Texas na nagkuwento kay Kris na the moment na lumabas ang actress-TV host sa pelikula ay nagpalakpakan ang whole audience at nag-cheer ng kanyang pangalan.

Nakakagulat daw na kahit sa place nila ay kilala si Kris.

“This message really warms my heart” sagot naman ni Kris.

-NITZ MIRALLES