Joey Marquez, pumapag-ibig

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ANG pretty ng lady love ni Joey Marquez na si Malou Quintana, na makikita sa pictures nila sa social media account ni Joey.

JOEY copy

Matagal nang nababalitang may pag-ibig na ang aktor, at patunay nga rito ang mga litratong post ni Joey na nagpapakitang magkasama sila.

Hindi namin alam kung natanong na si Joey tungkol sa partner niya, at kung paano niya ito sinasagot. ‘Tila nakalimutan ng press people na usisain ang love life niya sa presscon kamakailan ng Unli Life.

Siguro dahil katabi noon ni Joey ang anak na si Teresita “Winwyn” Marquez, na leading lady sa pelikula ni Vhong Navarro.

Hindi rin sigurado ang mga reporter kung sa bangko o sa airport nagtatrabaho si Ms. Malou, pero sa isang post ni Joey na sinabing “released from Airport Standby, me too,” parang sa airport nga nagtatrabaho ang partner ni Joey.

Speaking of Joey, malaki ang paghanga sa kanya ni Vhong, na unang beses niyang nakatrabaho sa Unli Life. Sinabi ni Vhong na gusto niyang laging kasama si Joey sa mga pelikula niya, dahil bukod sa mahusay na comedian, masarap pa umano itong katrabaho. Naging inspirasyon ni Vhong ang mga kasama sa pelikula, dahil sa work ethics.

Ang Unli Life ay mapapanood sa August 15-22 bilang isa sa mga entry sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino. Produced ng Regal Entertainment sa direksiyon ni Miko Livelo.

-Nitz Miralles