Jo Berry, nagpaka-fangirl kay Alden

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

FAN pala ni Alden Richards si Jo Berry, ang bagong Kapuso star na bida sa primetime soap ng GMA-7 na Onanay. Pinost ni Jo ang pagkikita nila ng aktor nang mag-guest siya sa Sunday Pinasaya.

“Whenever I see Victor Magtanggol on t.v. I chant “oh Victor save me Victor!” I have always been a fan of Alden Richards since his Ilustrado days, I met him yesterday. Ang he did saved me from my madaming kaba for my first live guesting on sps, he’s so niiiice! Thank you @aldenrichards02,” caption niya sa post.

Samantala, marami ang nanghinayang na mabilis natapos ang love story nina Onay (Jo) at Elvin (Adrian Alandy) sa Onanay dahil marami ang kinilig at nakakuha ng inspirasyon sa love story nila — isang normal ang height na lalake at isang unano na babae. Kaya lang, hanggang pilot week lang si Adrian dahil namatay na ang karakter nito.

Malabo nang matupad ang request na ibalik ang karakter ni Adrian sa Onanay, but in fairness, kahit wala na ang karakter ni Adrian, marami pa rin ang tumututok sa teleserye na may kakaibang concept.

Nagpasalamat naman si Jo kay Adrian by posting their photos sa Instagram (IG) at aniya, “I don’t see myself as Onay if you are not the Elvin! Thank you for dealing with my kakulitan Ady @adrian_alandy! at sa laging pagpapalakas ng loob ko. Paalam Elvin ko! Mahal na mahal ka ng Onay mo!”

-Nitz Miralles