Acting talent ni Christian, nahasa sa GMA

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MULING pumirma ng bagong exclusive contract ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista sa GMA Network.

Kasama ang manager niyang si Carlo Orosa, pumirma si Christian sa harap nina GMA Chairman and Chief Executive Officer Atty. Felipe L. Gozon, GMA Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, and other top GMA executives.

Masaya si Christian matapos ng contract signing.

“It’s good to be here again. GMA has been taking care of me for the last few years. The growth is wonderful. I keep going on the next level with them. They really take good care of me and their artists,” sabi ni Christian.

Kasalukuyang isa si Christian sa bumubuo ng Panel of Judges ng musical talent search ng GMA 7, ang The Clash.

Nagte-taping na rin siya para sa teleseryeng Pamilya Roces, under Joel Lamangan.

“There’s a wide range of opportunities. It’s been very fulfilling. I’ve got my hands full for the next few months and I wouldn’t have it any other way,” sabi pa ni Christian.

Masaya si Atty. Gozon na muling pumirma ng kontrata sa GMA si Christian, at hangad niya ang mas maganda pang samahan ng GMA sa singer-actor.

“We try to give him the best sa singing career niya. Now, he has The Clash where he’s gaining a lot of traction because of his very good constructive comments,” sabi naman ni Ms Lilybeth.

“Alam naman natin na marunong din siya umarte so ngayon meron siyang Pamilya Roces at tuluy-tuloy pa yung kung anuman ang pwede naming ibigay na makakaganda sa kanyang career at makakatulong din sa GMA,” dagdag pa.

Isa rin si Christian sa trio ng pinakamahuhusay na Kapuso singers na naglilibot sa bansa, at maging sa abroad para sa Three Stars One Heart, with Regine Velasquez-Alcasid at Julie Anne San Jose. Sa susunod nilang concert ay makakasama nila ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

-Nora V. Calderon