Nietes vs Palicte duel tuloy sa Sept. 8

Filed under Boxing Balita RSS RSS Feed

INIHAYAG ng 360 Promotions ni Tom Loeffler ang tanyag na SUPERFLY series na nakatakda sa Setyembre 8 at tatampukan ng sagupaan ng mga Pilipinong sina three-division world titlist Donnie Nietes at mas matangkad na si Aston Palicte para sa bakanteng WBO super flyweight title sa ‘Fabulous’ Forum sa Los Angeles, California sa United States.

Ang triple-header na ipalalabas sa HBO Boxing After Dark ay tatampukan din ng pagbabalik sa ring ni three-division world champion Kazuto Ioka ng Japan (22-1-0, 13 KO’s) laban kay two-time world title challenger McWilliams Arroyo ng Puerto Rico sa ten-round super flyweight bout.

Kakasa rin si dating two-time world champion Juan Francisco Estrada (36-3-0, 25KOs) ng Mexico laban sa kababayan niyang si two-time world title challenger Felipe Orocuta (36-4-0, 30KOs) sa isa pang super flyweight bout.

-Gilbert Espeña