Fetus nadiskubre sa school

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Isang fetus ang natagpuan sa palikuran ng mga babae sa isang pribadong paaralan sa Barangay Plainview, Mandaluyong City, kamakalawa.

Iniulat ang insidente ng may-ari at presidente ng paaralan sa Mandaluyong PNP nang madiskubre ng isa sa mga stay-in utility employees nito ang hinihinalang tatlo hanggang apat na buwang fetus, dakong 9:00 ng gabi.

Nadiskubre ng u t i l i t y ang fetus, na isinilid sa isang transparent plastic na inilagay sa kahon sa toilet bowl, habang naglilinis ng palikuran sa unang palapag ng gusali ng paaralan.

Ayon kay SPO1 Ronaldo Ambatang, may hawak sa kaso, patuloy na inuusisa ng may-ari ng paaralan ang mga empleyado nito, partikular na ang mga babae. Sisilipin din ng school management ang mga kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera ng paaralan.

-Hanah Tabios