Bea at Benjamin mahahati ang mga puso sa ‘Dear Uge’

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

GUESTS this Sunday, August 12, sa episode of Dear Uge titled “Nosi Balae” ang dalawang bida ng Kapuso morning serye na Kapag Nahati Ang Puso na sina Benjamin Alves at Bea Binene.

Bea Benjamin
One of the sweetest dreams nang isang anak na babae is to have her father walk her down the aisle on her most special day, ang kanyang wedding.

Pero paano kung ang iyong ama ay isa ring “ina”? Ikahihiya mo ba or ikaka-proud sa madlang pipol?

Sa istorya ay ginagampanan ni Bea ang role ni Heidi, at engaged na siya sa boyfriend na si Floyd, played by Benjamin, kahit na four months pa lang silang magkakilala. They can’t deny they’re so much in love.

‘Yun nga lang, things get complicated nang madiskubre ni Floyd na ang father ni Heidi ay isa palang transwoman named Izzy, played by Gardo Versoza na nagkaroon ng disastrous history with his own conservative mother.

Pero nakiusap si Floyd na mag-pretend itong si Izzy at maging lalaki sa engagement dinner nila ni Heidi. Kaya lang, all things went horribly wrong as the two “mothers”, both parents of Heidi, ay nagkaroon ng rambol at baliktaktakan sa harap pa mandin ng mga bisita ng engaged couple.

With this hilarious misunderstanding, will Heidi’s dream wedding still be a go? Or will the couple just let their love go?

Huwag palampasin ang Dear Uge, “Nosi Balae” episode sa Linggo, August 12, 2:30pm, after Sunday PinaSaya, only sa Kapuso Network. Kakaiba ito in pernes.

-MERCY LEJARDE