Basher ni Lotlot, kinuyog

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

“USER not found” na ang Instagram (IG) account ng basher ni Lotlot de Leon na nag-post ng “the fact that she adopted all of you, and did not let you die in the dumpster … respect and give love in return…calling those “good kids… where are you?”

Lotlot at mga kapatid copy

Kinuyog ang basher dahil sa masasakit na salita na ipinukol nito kay Lotlot at sa mga kapatid, na inampon ni Nora Aunor. Nagsimula ang isyu dahil hindi raw nagkikita sina Lotlot at Nora, lalo na ngayong mag-isa na lang ang superstar dahil namatay ang kapatid nitong based in San Diego, California.

Sinagot ni Lotlot ang basher, pero dahil mahaba, pumili na lang kami ng ilang parte ng kanyang post.

“I feel with your hurtful and slanderous comment not only to me but to “ALL KIDS” that are or have been adopted is very unkind and inhumane. We did not choose the lives that we have, but what we chose is to be always grateful for the family who took us in. The only way we can really give back is to show our adoptive parents that they have done a great job in showing us how to love one another. Ms. Luz, you know nothing about me and my siblings. People like you are a wolf in a sheeps clothing. As for us, my siblings and I regardless adopted love and respect one another and will have each other to protect and care for one another. Always have, always will. And like you, we will continue to smile in our pictures because we know, what we have no one can break apart.

“Now as for my mom. We love her dearly. That is one that should never be questioned, but as you know we are the kind of family that do not wash our dirty clothes in public.”

Iyon naman pala, inimbita ni Lotlot si Nora sa pa-misa ni Lotlot sa kapatid ni Nora (si Tita) na namatay, kaya sila nagkita-kitang magkakapatid. Pero hindi dumating si Nora at hindi sumagot sa text kahit maraming beses nang nag-reach out si Lotlot at mga kapatid sa ina.

Ang sabi pa, ang venue na inayos ni Lotlot para sa pa-misa sa tita niya ay malapit kay Nora para hindi na mahirapang mag-travel. Hindi nga sumagot si Nora, kaya hindi na sila nagkita-kita ng kanyang mga anak.

Sana nga maayos na ang gusot na ito sa pagitan nina Nora at kanyang mga anak para masaya ang lahat. Dahil maraming name-miss si Nora, fayundin ang kanyang mga anak, na mga pangyayari sa buhay ng isa’t isa.