15-anyos arestado sa panghahalay sa 5-anyos

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Arestado ang isang binatilyo matapos ireklamo ng nanay ng paslit na umano’y ginahasa nito sa Parañaque City, kamakalawa ng gabi.

Nasa kustodiya ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Parañaque City Police ang suspek, 15, ng Barangay Marcelo Green, Parañaque City.

Sa inisyal na ulat, naganap ang pang-aabuso sa Creekville Savvy 25, Severina 18, Bgy. Marcelo Green sa naturang lungsod, dakong 8:05 ng gabi.

Hindi idinetalye ng awtoridad ang insidente, subalit nadakip umano ang suspek sa follow-up operation matapos dumulog ang ina ng biktima sa presinto.

-Bella Gamotea