1 patay, 3 timbog sa buy-bust

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Bulagta ang isang drug suspect habang arestado ang tatlo nitong kasamahan sa buy-bust operation sa Sta. Ana, Maynila, kahapon.

Kinilala ang napatay na suspek na si Efren Nimo, 38, ng 2225 Paco Roman Street, Interior 3, sa Sta. Ana, habang ang mga naaresto naman ay sina Ferdinand Martinez, 43; Rowena Gaveno, 46; Romeo Clacio, 35, pawang residente rin ng naturang lugar.

Sa ulat, naganap ang insidente sa tahanan ng mga suspek, dakong 12:15 ng madaling araw.

Una rito, nagkasa ng buy-bust operation ang pulisya laban sa mga suspek matapos na makatanggap ng tip hinggil sa ilegal nilang aktibidad.

Nang makabili ng shabu ang poseur buyer sa suspek ay tinangka na itong arestuhin, ngunit nanlaban umano kaya napatay habang naaresto ang tatlo.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

-Mary Ann Santiago