Dalaga hinalay ng 3 kapitbahay

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

RAMOS, Tarlac – Kasalukuyang tinutugis ang tatlong lalaki na umano’y nanghalay ng kapitbahay sa Barangay Pance, Ramos, Tarlac, kamakailan.

Inireklamo ng biktima, 19, sina Mark Winn Dela Cruz, 23; Justin Estremera, nasa hustong gulang, ng nasabing lugar; at Rommel Flores, 19, ng Bgy. Cariño, Paniqui, Tarlac.

Sa police report, nagtungo ang biktima sa bahay ng kanyang kaibigan sa kalapit nilang barangay upang bisitahin ang isang kaibigan nito na isang dalaga.

Nadatnan ito ng malakas na buhos ng ulan at pagbaha sa bahay ng kanilang kaibigan kung saan narooroon din ang mga suspek.

Sinabi ng pulisya, lumikas ang mga ito sa isang bahay sa isang mataas na lugar sa nasabing barangay kung saan naganap ang insidente.

-Leandro Alborote