3 holdaper timbuwang sa shootout

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

DAGUPAN CITY, Pangasinan – Tatlong miyembro ng isang robbery-holdup group ang bumulagta nang makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay Nancamaliran East, Urdaneta City, kahapon.

Hindi pa rin tukoy ang pagkakakilanlan ng tatlong suspek, na namatay dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Sa kanyang pahayag sa pulisya, sinabi ni Jesus Martinez De Guzman, ng Mabanogbog, Urdaneta City, na minamaneho niya ang kayang tricycle sa nasabing lugar nang sumulpot ang mga suspek na sakay sa isang tricycle at nagdekalara ng holdup.

Dahil sa takot, ibinigay ni De Guzman ang kanyang personal na gamit ngunit nagpaputok pa rin ng baril ang mga suspek.

Hindi pa nasiyahan, tinangay ng mga suspek ang tricycle ng bikitima at ito ang ginamit sa kanilang pagtakas.

Nang makahingi ng police assistance, nagkaroon ng habulan at bakbakan sa pagitan ng dalawang panig na nagresulta sa pagkamatay ng tatlo.

Narekober sa mga suspek ang motorsiklo ng biktima, dalawang caliber 9mm pistol, at isang caliber 45 pistol.

-Liezle Basa Iñigo