Shabu lab sa piitan, motibo sa Leyte ambush?

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Sinasabing may kinalaman sa nadiskubreng shabu laboratory sa loob ng piitan ang pananambang sa tatlong kawani ng Leyte Bureau of Corrections (BuCor) sa Barangay Cadac-an, Abuyog, Leyte, kamakalawa.

Sa report ng Abuyog Municiap Police Station (AMPS), kinilala ang mga nasawi na sina CO3 Nelson Padagdag, CO3 Jelanie Almario, at CO1 Randy Pantano.

Sugatan naman sina Senior Supt. Geraldo Aro at Uldarico Mortezo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng AMPS, patungo ang lima sa Tacloban City Airport nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang armado sa Cadac-an Bridge.

Patuloy ang masusing imbestigasyon sa insidente.

-Fer Taboy