Bagong PAO lawyers

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

May 597 bagong abogado ang Public Attorney’s Office (PAO). Ito ang inihayag ni PAO Chief Persida Acosta sa pagdinig ng Kamara sa 2019 budget ng ahensiya.

Ayon kay Acosta, noong nakaraang taon pa inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga karagdagang posisyon sa PAO para maging 1:1 ang ratio ng abogado at kliyente.

Dahil sa mga dagdag na abogado, tumaas ng 34.34% ang budget ng PAO sa 2019 o P4.295 milyon mula sa kasalukuyang P3.197M budget.

-Beth Camia