Anak ng imam binistay

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Patay ang isang anak ng imam makaraang pagbabarilin sa loob ng bahay ng kanilang kamag-anak sa Barangay Sinunuc, Zamboanga City, nitong Lunes ng gabi.

Sa imbestigasyon ng Zamboanga City Police Office (ZCPO), kinilala ang biktima na si Abdil Muid Musa Jikiri, ng Bgy. Sinunuc, na nagtamo ng apat na tama ng bala sa katawan.

Ayon sa ama ni Abdil, katatapos lang nilang magdasal para sa ikapitong araw ng pagkamatay ng kanilang kamag-anak nang pumasok ang suspek sa bahay at pinaputukan ang biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek, ‘di tinukoy ang pagkakakilanlan, na dati umanong kaaway ni Abdil

Narekober sa pinangyarihan ang apat na basyo ng bala ng cal .45.

Patuloy ang pagtugis sa suspek.

-Fer Taboy