Adamson, kumpiyansa sa PVL

Filed under Volleyball Balita RSS RSS Feed

Standings W L

UST              4 0
Adamson   3 0
FEU              3 1
UP                 1 1
St. Benilde 1 2
Perpetual   1 3
San Beda    0 3
San Sebastian   0 3

Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

9:00 n.u. — FEU vs Adamson (men’s)
11:00 n.u. — San Beda vs Arellano (men’s)
1:00 n.h. — National U vs UP (men’s)
4:00 n.h. — UP vs SSC (women’s)
6:00 n.h. — PH vs CSB (men’s)

IKALIMANG sunod na panalo na mag-uupo sa kanila sa solong pamumuno sa men’s division ang pupuntiryahin ng Adamson University sa pakikipagtuos sa Far Eastern University sa pambungad na laro ngayong umaga ng Premier Volleyball League (PVL) 2 Collegiate Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Ganap na 9:00 ng umaga ang salpukan ng Falcons na kasalukuyang namumuno kasalo ng University of Santo Tomas taglay ang malinis na markang 4-0,at ng Tamaraws na kapapasok pa lamang sa win column matapos ang unang dalawang kabiguan pagkaraang gapiin ang De La Salle sa nakaraan nilang laban.

Kasunod nito, magtutuos naman ang mga NCAA teams San Beda University (1-2) at wala pang panalong Arellano University (0-3) ganap na 11:00 ng umaga bago ang ikatlong laro sa men’s division sa pagitan ng reigning UAAP champion National University (0-2) at University of the Philippines (2-1) ganap na 1:00 ng hapon.

Sa panig ng kababaihan, magsasagupa naman ang mga koponang nasa gitna at lower half ng standings.

Magtutuos ganap na 2:00 ng hapon sa nag-iisang nakatakdang women’s game ang University of the Philippines (1-1) at ang winless pa ring San Sebastian College (0-4).

Samantala sa huling laro, magtutunggali naman ang reigning men’s NCAA champion University of Perpetual Help (1-3) at ang College of St.Benilde (1-2) ganap na 6:00 ng gabi.

-Marivic Awitan