Veteran actress natsugi sa big project dahil sa ugali

Filed under Blind Item Balita RSS RSS Feed

NAKAKUHA kami ng impormasyon na kaya pala wala na sa serye ng kilalang aktor ang isang veteran actress ay dahil nakasagutan nito ang production staff, dahil pasaway siya. Bukod dito ay naging demanding na rin umano ang aktres.Laking pagsisisi nga raw ng veteran actress, dahil sa simpleng alitan ay nawalan siya ng regular na trabaho, na kuwento naman niya sa mga nakakausap.

Kaya pala tumanggap siya ng role na hindi naman kalakihan at maski na may iba na siyang show ay umaasa pa rin na sana ay mapasama ulit siya sa susunod na serye ng kilalang aktor.

Hindi naman kami magtataka kung ganito ang nangyari sa veteran actress, dahil saksi rin kami kung paano lumaki ang ulo niya, at kung paano siya makipag-usap sa production staff. Iba rin ang asal niya sa mga ordinaryong manggagawa na nakakasalubong niya.

Mabait at ngumingiti ang aktres kapag alam niyang reporter ang kaharap o kausap niya, pero kapag hindi ay lumalabas ang tunay niyang ugali.

Talagang manghihinayang siya sa malaking proyektong nawala sa kanya dahil sa ugali niya.

-Reggee Bonoan