TV5 may full coverage sa US premiere ng ‘Crazy Rich Asians’

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SA nabasa naming post ni Kris Aquino, ang TV5 ang may full coverage sa pagdalo niya sa red carpet premiere ng Crazy Rich Asians today, 6:00 pm sa TCL Chinese Theater, Hollywood Boulevard, Hollywood. .

Kris copy

Ang alam namin, lumipad na si MJ Marfori and her crew for Los Angeles.

Post ni Kris: “@mjmarfori from TV5 & Radyo5 will have full access & some exclusive features w/ me for the Hollywood red carpet @crazyrichasians premiere. Get intense, informed, immersed, involved, inspired. Get it all on 5. (My heartfelt THANK YOU to the MVP Group for their 100% support.).”

Binanggit din ni Kris na may FB at IG Live streaming ang pagdalo niya sa red carpet premiere ng Crazy Rich Asians, na showing dito simula August 22. Kaya mapapanood ng kanyang supporters ang pagrampa niya.

Nabanggit din ni Kris na may lunch siya with the Fil-Am sa The Asian Journal, at may meeting siya kay Chris Lee, ng Authentic Talent & Literary Management. Malay natin at may kasunod na Hollywood project kay Kris ang kanyang agent.

Samantala, ang ganda ng photo ng magkapatid na Josh at Bimby sa tabi ng poster ng Crazy Rich Asians. Very proud ang magkapatid sa kanilang Mama at siyempre pa, suportado nila ang career nito.

-NITZ MIRALLES

  • Lheiyan Luciano

    Im ryan luciano pls who can help me how to claim my price i dont know what can i do