• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Probinsya

3 utas, 13 arestado sa buy-bust

Balita Online by Balita Online
August 7, 2018
in Probinsya
0
probinsya
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

NUEVA ECIJA – Tatlo ang nasawi habang 13 ang naaresto sa magkakahiwalay na anti-illegal drugs operation sa Nueva Ecija, sa nakalipas na 72 oras.

Sa report na ipinadala kay Senior Supt. Eliseo Tanding, Nueva Ecija Police director, kabilang sa mga nasawi sina Melvin Santos, ng Barangay La Torre, Talavera, Nueva Ecija; Kenneth Corpuz, ng Dicarma, Cabanatuan City; at Leonardo Milan, alyas Cocoy, 41, ng Bgy. Umangan, Aliaga, Nueva Ecija.

Ang unang dalawang napatay ay nakipagbarilan umano sa mga pulis nang mahalatang buy-bust operation ang naturang transaksiyon.

Nagtangka namang manlaban sa mga tauhan ng San Antonio police si Milan, sa isang checkpoint sa San Mariano-Lawang Cupang Road, San Mariano, San Antonio ng nabanggit na lalawigan.

Ayon kay Chief Insp. Marlon Cudal, hepe ng San Antonio police, sangkot si Milan sa robbery hold up activities sa Aliaga, Nueva Ecija at drug surrenderer noong 2016.

Kabilang naman sa mga naaresto sa Bgy. Poblacion West Rizal, Nueva Ecija sina Erwin Revamuntan, 51, ng Bgy. Poblacion West; Casiano Agustin III, 34, ng Calaocan District, kapwa taga-Rizal, Nueva Ecija; at Maximo Mallari, 51, ng Bgy. Palomaria, Bongabon, Nueva Ecija.

Arestado naman sa Bgy. San Roque, Cabiao, Nueva Ecija si Ricardo Caguiat, 65, ng Bgy. 201, 3018 Abucay St., Tondo, Maynila. Siya ay nakuhanan ng apat na pakete ng shabu.

Kabilang din sa mga naaresto sina Ronnie Obligasyon, 47, ng Bgy. Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija; Efren de Fiesta, 35, ng Bgy. Villa Flores, Cuyapo, Nueva Ecija; Jayson Carvajal Villacorta, 39, ng Bgy. San Juan Aliaga, Nueva Ecija; Roberto Pingol Magno, 35, ng Purok 3, Bgy. San Roque, San Isidro, Nueva Ecija. Dinakip din sa Purok 2, Bgy. Imelda sina Rodolfo Padilla Iniego, Jr., 21; Roberto Nuque Cincepcion, 38; Wilson Villanueva dela Cruz, 18, kapwa taga- Bgy. MS Garcia; Eric Vitoriolo, 41; at Leonora dela Cruz Mallari, 54, Bgy. Imelda, Cabanatuan City.

Nahaharap ang mga inaresto sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

-Light A. Nolasco

Tags: cabanatuancentral luzonnueva ecijaTalavera
Previous Post

‘Lakers-Warriors duel, patok’ — Curry

Next Post

Demi Lovato, nakalabas na ng ospital

Next Post
Demi Lovato, nakalabas na ng ospital

Demi Lovato, nakalabas na ng ospital

Broom Broom Balita

  • Sharon, bet maging son-in-law si Alden
  • Coco, Alden magsasama sa susunod na MMFF?
  • Pagsasabayin! Netizens, ‘nag-init’ sa pic ng mag-amang Diego at Cesar
  • Isyu sa trademark ng SB19, naresolba na
  • ‘Mas jackpot pa sa lotto?’ Socmed post ng PCSO, pinagkaguluhan ng netizens
Sharon, bet maging son-in-law si Alden

Sharon, bet maging son-in-law si Alden

December 6, 2023
Coco, Alden magsasama sa susunod na MMFF?

Coco, Alden magsasama sa susunod na MMFF?

December 6, 2023
Pagsasabayin! Netizens, ‘nag-init’ sa pic ng mag-amang Diego at Cesar

Pagsasabayin! Netizens, ‘nag-init’ sa pic ng mag-amang Diego at Cesar

December 6, 2023
Isyu sa trademark ng SB19, naresolba na

Isyu sa trademark ng SB19, naresolba na

December 6, 2023
5 government agencies, tumanggap ng P67M-mandatory contributions mula sa PCSO

‘Mas jackpot pa sa lotto?’ Socmed post ng PCSO, pinagkaguluhan ng netizens

December 6, 2023
TVJ, Dabarkads hosts nag-react sa pagkakabalik ng ‘Eat Bulaga’ trademark

TVJ, Dabarkads hosts nag-react sa pagkakabalik ng ‘Eat Bulaga’ trademark

December 6, 2023
Badoy, Celiz nag-hunger strike kontra ‘pagpasok’ ng CPP-NPA-NDF sa Kongreso

Badoy, Celiz nag-hunger strike kontra ‘pagpasok’ ng CPP-NPA-NDF sa Kongreso

December 6, 2023
Madir ni Andrea nakipagratratan sa basher: ‘Anong ambag mo sa mundo?’

Madir ni Andrea nakipagratratan sa basher: ‘Anong ambag mo sa mundo?’

December 6, 2023
Top 1 ng PNLE napaluha sa resulta; higit 8,000 nursing flashcards, kinabisado

Top 1 ng PNLE napaluha sa resulta; higit 8,000 nursing flashcards, kinabisado

December 5, 2023
Operasyon ng tren, pansamantalang sinuspinde dahil lindol

Operasyon ng tren, pansamantalang sinuspinde dahil lindol

December 5, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.