Jojo at Lovely, epektibong pampa-good vibes

Filed under Editoryal, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAGING matagumpay ang initial telecast ng Ronda Patrol, Alas Pilipinas sa Umaga, kasama sina Jojo Alejar at Lovely Rivero. Mapapanood ito tuwing Biyernes, 6:00 am-7:00 am sa TV5.

Lovely copy

Sa ngayon ay nakakadalawang episodes na ang Ronda Patrol, at super excited at laging bongga ang energy ng hosts nitong sina Jojo at Lovely.

Mukhang nahawi na rin ang production people ng Alas Pilipinas Multi Media Corporation sa pagiging energetic nina Jojo at Lovely, dahil lagi rin silang on-the-go kapag nasa field o kahit nasa studio.

Good vibes lang lagi kapag nasa set sina Jojo at Lovely, kaya naman buhos din ang pasok ng blessings sa programa.

Sa ngayon ay one season lang ang pinirmahang kontrata ng Alas Pilipinas Multi Media Corporation at ng Rainbow Cement Corporation sa pamunuan ng TV5. Ngunit dahil magaganda ang feedback at positive ang dating ng programa sa mga manonood ay hindi malabong na maging araw-araw na ang Ronda Patrol, Alas Pilipinas sa Umaga nina Jojo at Lovely. Why not?!

-Mercy Lejarde