Chiefs, kumaripas sa Bulldogs

Filed under Volleyball Balita RSS RSS Feed

SUMALO ang National University sa liderato ng men’s division matapos walisin ang Arellano University, 25-12, 25-13, 25-20, kahapon sa Premier Volleyball League (PVL) 2 Collegiate Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Nakamit ng Bulldogs ang ikatlong sunod na panalo, habang taliwas ang kapalaran ng Chiefs sa 0-3.

Dinomina ng NU ang nasabing laro base sa itinala nilang mga numero, 29-19 sa hits, 11-5 sa blocks at 5-2 sa aces.

Sa isa pang laban, nasilat ng San Beda University ang University of the Philippines sa dikdikang 25-21, 22-25, 27-25, 23-25, 15-13 desisyon.

-Marivic Awitan