Bedans spikers, pinataob ng Uste

Filed under Volleyball Balita RSS RSS Feed

Standings

W L
FEU 3 0
UST 3 0
Adamson 2 0
UP 1 0
San Beda 0 2
St. Benilde 0 2
San Sebastian 0 2
Perpetual Help 0 3

Mga Laro sa Huwebes
(Filoil Flying V Center)

9:00 n.u. — Perpetual Help vs San Beda (men’s)
11:00 m.u. — Arellano U vs National U (men’s)
2:00 n.h. — St. Benilde vs San Beda (women’s)
4:00 n.h. — San Sebastian vs Perpetual Help (women’s)
6:00 n.g. — La Salle vs FEU (men’s)

ISA pang straight set win ang ipinoste ng University of Santo Tomas matapos walisin ang San Beda University, 25-18, 25-15, 25-21, para makatabla sa Far Eastern University sa liderato ng Premier Volleyball League (PVL) Season 2 Collegiate Conference nitong Linggo sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Nagsanib puwersa sina rookie Eya Laure at sophomore Milena Alessandrini sa pagposte ng 25 hits upang pamunuan ang Tigresses sa kanilang ikatlong dikit na panalo.

Taliwas sa Lady Tamaraws na wala pang naipapatalong set matapos maunang walisin ang San Sebastian at University of Perpetual Help.

Nag deliver si Laure ng 12 kills at dalawang kills habang umiskor si Alessandrini ng 11 hits bukod pa sa 7 excellent receptions.

Nagposte naman si Nieza Viray ng 17 puntos, ngunit bigong makakuha ng sapat sa suporta mula sa kanyang mga kakampi na naging dahilan upang malugmok sa ikalawang sunod na pagkatalo.

Nauna rito, nalusutan ng Adamson ang matinding hamon mula sa College of St. Benilde, para maitala ang 25-22, 22-25, 25-22, 25-21 panalo na nag-angat sa kanila sa markang 2-0.

-Marivic Awitan