Bea sinawaan na ng bashers

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

INASAR na naman ni Bea Binene ang bashers niya nang mag-post na naman siya ng bouquet of roses na padala ng manliligaw, o baka boyfriend niya. Every month kasi ay para bang nagse-celebrate sila ng monthsary.

Bea copy

Hindi pa rin pinapangalanan ni Bea ang nagpapadala ng mga bulaklak sa kanya, kaya patuloy pa rin ang paniniwala ng iba na si Alden Richards ang boyfriend niya, at itinatago lang nila ang kanilang relasyon.

Ang napansin lang namin, kumonti na ang bashers ni Bea. Sa nabasa namin sa mga comment, two to three na lang ang namba-bash sa kanya, at pinipilit pa rin ang isa sa mga bida ng Kapag Nahati ang Puso na pangalanan ang guy na nagpapadala sa kanya ng bulaklak buwan-buwan.

Samantala, maganda ang review sa acting ni Bea, gayundin sa takbo ng story ng Kapag Nahati ang Puso. Nangyayari naman talaga sa totoong buhay na minsan, nagiging magkaribal ang mag-ina o mag-ama sa iisang lalaki o babae.

Sa kaso nina Bea at Sunshine Cruz, na gumaganap na mag-ina sa morning series, hindi nila alam na mag-ina sila at hindi rin nila naiwasang magkagusto kay Joaquin (Benjamin Alves).

-NITZ MIRALLES