Bea pinataob si Jodi

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

PTINAOB ng bagong ere na morning teleserye ng GMA-7, ang Kapag Nahati Ang Puso, ang katapat nitong programa ni Jodi Sta. Maria na hindi nagawang pantayan ang nakaiintrigang kuwento nina Bea Binene, Benjamin Alves, at Sunshine Cruz!

Bea copy

Maraming sumusubaybay sa kuwento nina Claire (Bea), Jacob (Ben), at Rio (Sunshine), at marami ang kinikilig sa nabubuong pagtitinginan sa mga karakter nina Bea at Benjamin.

Naaliw ang netizens sa post ni Benjamin sa Instagram: “Di ko na alam kung mekaniko o macho dancer si Joaquin.” Naka-topless kasi ang karakter niyang si Jacob habang inaayos ang sasakyan, at naghihintay sa tabi niya ang conservative character ni Bea na si Claire.

Well-oiled machine din ang cast, dahil kahit sa likod ng camera ay masaya ang bonding nila.

Sinorpresa ng KNAP cast si Sunshine sa kanyang birthday, at natuwa ang bagong Kapuso star sa gesture nilang ito. Siguradong mas maiinit na eksena pa ang aabangan sa Kapag Nahati Ang Puso dahil motivated silang i-maintain ang mataas na ratings.

Congrats sa inyo, Team KNAP!

-MERCY LEJARDE