Aktres na cause of delay, 2 oras lang tinigdas

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

SUMUSUMPA ang mga production executive ng kilalang movie company na hindi na nila kukunin pa ang aktres na binigyan sila ng sakit ng ulo sa set.

“Grabe, kung alam lang ng lahat kung paano sumakit ang ulo namin diyan sa babaeng ‘yan, hindi na siya makakaulit pa!” sabi ng aming source.

“Alam naman niyang may playdate na hinahabol tapos kung anu-anong alibi niya. Siya ang cause of delay ng shooting. Mabuti na lang super bait ng mga bida at direktor. Take note, hindi siya bida ‘no, support siya. Hindi lang siya puwedeng tanggalin kasi nakailang shooting days na siya at limited ang budget ng film.

“Paanong hindi ka mabubuwisit, unang alibi niya masama pakiramdam niya, hindi niya kayang mag-shoot, o kaya late siyang darating. Sa totoo lang lagi naman siyang late dumating sa set, eh, kaya walang bago.

“Ang pinakamatindi nagsabing may sakit siya ng tigdas, eh, importante ‘yung eksenang kukunan, kaya sinabi namin na need siya. Nagmatigas siya, hindi raw niya kaya. Sabi naming okay, gagawan na lang ng paraan kasi kailangan makunan na ‘yung scenes.

“After two hours, biglang nagpasabi sa PA na darating siya, okay na raw siya. Ano ‘yun, tigdas ang sakit biglang umokey na? Hayun pagdating okay naman, wala namang bakas na nagkatigdas.”

Nagkatawanan na lang kami ng aming source kasama ang ibang nakarinig ng kuwento.

-Reggee Bonoan