Ex-con balik-selda sa droga

Filed under Balita, Nacional / Metro Balita RSS RSS Feed

Balik-selda ang isang lalaki matapos masamsaman ng P7.5 halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa report ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar, kinilala ang suspek na si Bryan Dudley, alyas Taba, na kalalaya lang nitong Hulyo 2.

Sa imbestigasyon, isinagawa ng mga operatiba ng NCRPO, Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang anti-illegal drug operation sa University Avenue cor. Commonwealth Avenue, Barangay San Vicente, sa UP Diliman, Quezon City, dakong 3:30 ng madaling araw kahapon.

Agad na pinosasan si Dudley matapos makipagtransaksiyon sa mga operatiba at nakumpiska ang kabuuang P7.5 milyong halaga ng umano’y shabu.

Si Dudley ay minsan nang nakulong dahil din sa ilegal na droga at muling naghihimas ng rehas at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Jun Fabon