Automatic nomination, ‘di tinanggap ni Carpio

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

Hindi tinanggap ni acting Chief Justice Antonio T. Carpio ang kanyang automatic nomination bilang Punong Mahistrado, na binakante ni Maria Lourdes P. A. Sereno na pinatalsik sa pamamagitan ng desisyon ng Korte Suprema at isinapinal noong Hunyo 19.

Sa isang mensahe, sinabi ni Carpio sa Balita na siya “already submitted today a letter declining the nomination.”
Ang kopya ng naturang liham na ipinadala sa Judicial and Bar Council (JBC) ay hindi agad naging available.

Sa panayam sa telebisyon kamakailan, sinabi ni Carpio na hindi niya tatanggapin ang lahat ng nominasyon para sa kanya upang magiging susunod na Punong Mahistrado.

Sinabi niya na dahil bumuto siya sa pagpapatalsik kay Sereno bilang Chief justice sa pamamagitan ng quo warranto petition, kinakailangan niyang panindigan ang kanyang panig.

Sabi ni Carpio: “I have to be consistent with my position that the quo warranto is not a proper way to remove a sitting member of the court (Supreme Court). I don’t want to benefit from the decision to which I disagreed. But I will have to implement it because I’m the temporary head of the institution.”

Rey G. Panaligan