Robin proud sa libreng serbisyo ni Direk Joyce

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

IPINAGMALAKI ni Robin Padilla ang kaibigang si Direk Joyce Bernal, dahil hindi nagpabayad a n g h u l i s a pagdidirehe ng State-of-the-Nation Address (SONA) ni President Rodrigo Duter te ngayong Lunes.

Direk Joyce

“ K a p a g p a r a s a INANGBAYAN hindi ka dapat BINABAYARAN!!! Malalim na pagpupugay sa iyo binibining Joyce Bernal isa kang halimbawa at ilaw sa lahat sa aming nasa industriya at rebolusyon! Mabuhay ka at ang ating panata!

“When these teachings shall have been propagated and the glorious sun of freedom begins to enlighten a united race and people, then all the loves lost, all the struggle and sacrifices shall not have been in vain.- ika 14 na bilang s a k a r t i l y a ng Katipunan,” post ni Robin.

Nabatid na si Robin mismo ang nagrekomenda sa Presidente na kuhanin ang serbisyo ni Direk Joyce para s a SONA ngayong taon.

Sa isang interview kay Direk Joyce, nabanggit niya na dahil nadidiliman siya sa Plenaryo ng Kamara na pagdarausan ng SONA, nag-request siya na dagdagan ang ilaw.

Makikita bukas kung anong pagbabago ang gagawin ni Direk Joyce sa pagdidirek ng SONA, na ang naunang dalawa ni Pangulong Duterte ay idinirehe ni Direk Brillante Mendoza.

-NITZ MIRALLES