Kristine, ‘di bagay na kontrabida

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

BINASA namin ang lahat ng komento ng viewers ng Bagani, lalo na kapag ipinapakita si Kristine Hermosa (Malaya). Halos iisa ang sinasabi nila: Hindi raw bagay sa aktres ang maging kontrabida, dahil masyadong maamo ang kanyang mukha.

KRISTINE copy

Oo nga, ang ganda talaga ng maybahay ni Oyo Sotto, kaya hindi talaga paniniwalaang kontrabida.

Sabagay, ganito rin naman sa foreign films. Kapag masyadong maganda ang isang babae o sobrang guwapo ng isang lalaki ay asahang may kakaiba rito.

Kinuwestiyon din ang muling pagkabuhay ni Mayari (Sofia An d r e s ) s a Bagani. Bakit daw i to ang b i n u h a y n i Malaya kaysa sa sariling anak na si Sarimaw (Ryan Eigenmann)?

Tinanong din namin ito sa taga- Star Creatives, at sinabi nilang abangan na lang daw ang mga susunod na episode.

Sa kabilang banda, naiyak naman sa tuwa si Datu (Enzo Pineda) nang makita si Mayari na nakahiga sa disyerto, at kaagad niya itong iniuwi sa kanyang kubol para makapagpahinga. Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit gustong makita ng dalaga si Lakas (Enrique Gil).

Ikakasal na sina Lakas at Ganda (Liza Soberano), at nagsasaya ang buong Sansinukob. Ikinatuwa naman ito ni Malaya, dahil pagkatapos daw ng kasal ay saka sasalakay si Mayari kaya maagang mababalo si Ganda.

Ayon kay Malaya, ito lang ang dahilan para magalit si Ganda, at ang dugong lalabas mula kay Lakas ang gigising sa itim na kapangyarihan na nasa katawan nito.

Base sa episode ng Bagani nitong Huwebes, nakaalis ng kubol si Mayari habang tulog si Datu, dala ang punyal na papatay kay Lakas.

Samantala, kapansin-pans in na gumanda lalo si Sofia. Halatang nakapagpahinga siya sa ilang buwan niyang p a m a m a h i n g a s a showbiz.

-Reggee Bonoan