JunMar, Cignal POW awardee

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

TARGET ng San Miguel Beer ang isa pang championship at sentro ng kampanya ng Beermen si four-time MVP June Mar Fajardo, sapat para tanghalin siyang Cignal-PBA Press Corps Player of the Week award sa kasalukuyang Commissioner’s Cup.

Naitala ng 6-10 na si Fajardo ang averaged 21.0 puntos, 11.3 rebounds, 2.3 steals at 2.0 assists para sa July 9-15 period, sapat para higitan ang karibal na si Greg Slaughter ng Barangay Ginebra.

Ratsada ang ipinagmamalaking anak ng Pinamungahan, Cebu sa naiskor na 27 puntos mula sa 10-of-16 shooting at 13 rebounds sa 92-79 panalo ng Beermen sa Game 1.

Sinundan niya ito ng 19 puntos, 12 rebounds, apat na steals at tatlong assists sa 106-102 panalo sa Game 2.

Matibay ang kampanya ni Fajardo para sa ikapitong Best Player of the Conference award.