Baby ni Lloydie, ipinangalan sa lolo

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MAY napili nang pangalan sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna para sa kanilang baby boy: Elias Modesto. Ipinangalan daw ang bata sa namayapang ama ni Ellen.

Ang pangalan ng baby nina John Lloyd at Ellen ang ibinalita ni MJ Marfori, na nakuha naman niya sa isang mapagkakatiwalaang source.

Kinumpirma rin ng source na hindi pa nabibinyagan ang baby, kaya tama pala ang pagre-react ni John Lloyd na “fake news” daw ang lumabas na balita na pagkatapos na manganak ni Ellen nitong June 27, at habang nasa ospital pa ang mag-ina, ay bininyagan na ang bata.

Sa Cebu na rin siguro bibinyagan si Elias Modesto, at saka pa babalik sa Maynila sina John Lloyd at Ellen after the baptism.

Kaabang-abang kung sino ang kukuning ninang at ninong ng dalawa sa binyag ng baby nila.

-Nitz Miralles